^

PSN Palaro

Winning streak ni Pacquiao pipigilan ng Hapones

-
Bibigyan ng wakas ng Japanese boxer na si Tetsutora Senrima ang winning streak ng Filipino na si Manny Pacquiao sa kanilang pagtatagpo sa Pebrero 17, para sa WBC International Super Bantamweight championships.

Ayon sa balita, hindi lamang ang sinturon ni Pacquiao ang inaasinta ni Senrima kundi higit sa lahat ay ang world ranking na hinahawakan ng Filipino champion.

Si Pacquiao ay kasalukuyang number 3 sa lista-han ng World Boxing Council (122 lbs. division) at No. 3 din sa International Boxing Federation ratings.

Umiskor ng apat na sunod na laban si Pacquiao na ang huli ay ang hindi malilimutang knockout defeat kay Medgeon 3K Battery ng Thailand na naging dahilan upang makawala sa kanyang kamay ang WBC flyweight crown noong 1998.

Kabilang sa mga naging biktima ni Pacquiao ay sina dating world rated Reynante Jamili, Sydney-based Arnel Barotillo, Korean Seung Kwon Chae at Lebanese-born Australian Nadel Hussein.

Ayon sa kilalang Japanese boxing expert na si Joe Koizumi, na nagrekomenda kay Senrima kay promoter Gabriel ‘Bebot’ Elorde Jr., tiyak na magbibigay ng mabigat na laban ang Hapones kay Pacquiao mula sa opening bell dahil sa abilidad nitong tumagal sa laban.

"Because Senrima’s stamina is tested, aside from being packs with wallop punches that could put Pacquiao in trouble," dagdag ni Koizumi. "He’s a slugger and loves to fight toe to toe."

Si Senrima, 31 anyos na ipinanganak sa Kobe ng kanyang magulang na Koreans, ay may hawak na record na 19-4-3 na may 10 knockouts. Ang kanyang tunay na pangalan ay Choi Ho Kang.

ARNEL BAROTILLO

AUSTRALIAN NADEL HUSSEIN

AYON

BECAUSE SENRIMA

CHOI HO KANG

ELORDE JR.

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

INTERNATIONAL SUPER BANTAMWEIGHT

JOE KOIZUMI

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with