La Sallites taob sa UM booters
January 17, 2001 | 12:00am
CAGAYAN DE ORO CITY-- Nagrally ang University of Mindanao (Davao) booters patungo sa homestretch upang tumabla sa pinapaborang La Salle Academy-Iligan 3-3 sa all-Mindanao finals ng 17th Coke Go-for-Goal under 16 football tournament sa Don Gregorio Pelaez Memorial Sports Complex dito.
Napag-iwanan sa 1-3 iskor may 25 minutes na lang ang nalalabi, bumangon ang UM Maroons sa pamamagitan ng dalawang sunod na goals nina Charlie Cayog sa 78th minute at Jason Mortillero sa 83rd upang itabla ang iskor.
Dinomina ng La Sallites, na nagwagi ng 8 sa 12 Mindanao championships, ang simula ng laro nang agad na makaungos sa 27th minute sa pamama-gitan ng 10-yard grounder.
Umabante pa ito sa 2-0 sa 39th minute sa pamamagitan ng matikas na sipa ni Glenn Benorilao sa 15 yards.
Isang matinding left-foot blast ni Mortillero sa 43rd para makalapit sa 1-2 ngunit sinulit ito ng magkatulad na left-footer ni Ed Plasus sa 68th minute na siya sanang insurance goal.
Hindi bumitiw ang Maroons at muling nagmarka sina Cayog at Mortillero.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended