2 titulo ibinulsa nina Arevalo at Zoleta
January 15, 2001 | 12:00am
Humakot ng tig-dalawang titulo sina top seeds Czarina Mae Arevalo at Bien Zoleta sa kani-kanilang division sa pagsasara kahapon ng 12th Andrada Cup Age Group Championship sa Rizal Memorial Tennis Center.
Kinoronahan ni Arevalo ang kanyang sarili sa girsl 18-under category nang kanyang hiyain si Bernardine Sepulveda, 6-1, 6-1, bago sinungkit ang korona sa 16-under class matapos na sibakin ang nasabi ring kalaban sa iskor na 6-3, 6-0.
Sa kabila nito, iginupo ni Zoleta si Ivy de Castro ng Miriam College, 7-6 (7), 6-0 para sa korona ng 14-under plum.
Si Zoleta rin ang hinirang na kampeon matapos na sukbitin ang 12-under title makaraang patalsikin ang kanyang nakababatang kapatid na si Bambi na nag-withdraw sanhi ng injury.
Nakisosyo sa karangalan nina Arevalo at Zoleta ang magkapatid na Guba, sina Johan at Yannick, Michael Basco, Pablo Olivarez II at ang balikbayan na si Florante Sarmiento Jr.
Walang hirap na naibulsa ng second-rank na si Johan ang korona sa 18-under division matapos na hindi sumipot ang kalabang si Joseph Victorino.
Itinala naman ni Yannick ang 6-2, 7-6 (1) pamamayani kontra No. 3 Irwin de Guzman para sa korona ng 16-under class ng tournament na ito na suportado ng PSC, Viva Mineral Water at Nassau ball.
Kinailangan naman ni Basco, seeded fourth ng deciding set bago niya napayukod si Jandrick de Castro, 4-6, 6-2, 7-5 at hablutin ang korona sa boys 14-under division, habang nadomina naman ng No. 2 na si Olivarez ang boys 12-under ca-tegory matapos na gulantangin ang No. 1 na si Raymond Villareta, 7-6 (3), 6-4 at naghari naman si Sarmiento sa unisex-10 under matapos na talunin si Patrick Arevalo, 6-2, 6-0.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am