^

PSN Palaro

Raymundo ng Letran, nakaambang pumasok sa Red Bull

-
Umaasa ang maga-ling na point guard na si Wille Miller na muling ma-kakasama ang kakampi sa Letran na si Kerby Raymundo at umaasa din itong makukuha bilang no.1 pick ng Batang Red Bull sa PBA Annual Draft sa Linggo sa Glorietta Park sa Makati City.

"Gusto kong magkasama kami uli ni Kerby kaya magiging masaya ako kapag ako ang napili ng Red Bull," ani Miller nang maging panauhin ito sa PSA Forum sa Holiday Inn Manila.

Ang 23 anyos na si Miller, naglaro sa Nueva Ecija Patriots sa MBA ay nagsabi din na hinog na siya ngayon para maglaro sa PBA na kanyang pangarap sapul nang siya ay bata pa.

"Palagay ko pagkatapos ng dalawang taon kong paglalaro sa MBA may experience at exposure na ako. Kaya nag-decide na rin akong sumali sa PBA. Makakasama ko pang maglaro si Kerby," dagdag ni Miller na nakikipag-ensayo na sa Red Bull.

Samantala, walang nadagdag sa 12-Fil-foreign applicants para sa PBA Annual Draft na gaga-napin sa Enero 14 sa Glorietta sa Makati.

Hanggang matapos ang office hours ng Philippine Basketball Association sa alas-5:00 ng hapon, walang humabol na aplikante para sa taunang drafting na may pinakamaraming bilang ng mga draftees sa kasaysayan ng liga.

Sa kabuuan, mayroong 64-cagers ang nagpalista, 32 mula sa Metropolitan Basketball Association at 13 mula naman sa Philippine Basketball League.

Gayunpaman, kina-kailangan pang rebisahin ng Commissioners ang mga aplikante kung ang mga ito ay kumpleto sa mga requirements. Ang mga Fil-foreign players ay kinakailangang magbigay ng confirmation papers mula sa Department of Justice, may eded na 23 sa June 30 o kaya’y high school graduate noong 1997 o degree holder.

Ang sinasabing magiging top pick na si John Arigo ay wala pang nai-papasang DOJ confirmation hanggang sa alas-6:00 ng gabi, kahapon ngunit naihabol naman nina Kenny Evans at Jeremy Aniciete ang kanilang confirmation papers.

Ang mga nakasisiguro na sa drafting ay sina Michael Hrabak at Joshua Lambert na bagamat wala pang DOJ certificate ay mayroon na itong pinanghahawakang Philippine passport.

Sinasabing wala pang DOJ confirmation ang mga aplikanteng sina Christopher Clark, David Friedhof, Jason Henkey, Jeffrey Mañebo, Dennis Decusin, Kenneth Gumpenberger at Francis Rosemeyer.

BATANG RED BULL

CHRISTOPHER CLARK

DAVID FRIEDHOF

DENNIS DECUSIN

DEPARTMENT OF JUSTICE

FRANCIS ROSEMEYER

GLORIETTA PARK

HOLIDAY INN MANILA

JASON HENKEY

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with