4 Fil-Ams ng PBA aprubado na sa Bureau of Immigration
January 6, 2001 | 12:00am
Naaprubahan na ng Bureau of Immigration ang petisyong ‘recognition’ ng apat na Fil-Ams basketball players na nagnanais na makapaglaro sa 2001 season ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Enero 28.
Pumasa sa Immigration ang petisyong isinumite para makilala bi-lang isang mga Pilipino sina Jeremy Aquino Aniciete, 22-anyos; David Matthew Friedhof, 23-gulang; John Hartley Ward Arigo, 22-anyos at ang 21-gulang na si Michael Allen Pasana Hrabak.
Ayon kay immigration Commissioner Rufus Rodriguez, kinilala ang apat na foreign cagers makaraang makapagpakita ang mga ito ng sapat na katibayan na isa sa kanilang mga magulang ay isang Pilipino ng mapanganak ang mga nasabing manlalaro.
Ngunit sinabi ni Rodriguez na kailangan pang maaprubahan ang nasabing recognition orders ni Department of Justice Sec. Artemio Tuquero bago maibigay ang kani-kanilang mga certificates na kikilala sa mga naturang cagers na sila’y may dugong Pilipino.
Sa dokumentong isinumite ni Aniciete, ito ay ipinanganak sa Chicago, Illinois noong Oct. 13, 1978 ng kanyang mga magulang na sina Perla Aquino at Jesus Manuel Aniciete na pawang mga Pilipino.
Si Friedhof ay isinilang sa Idaho noong Hunyo 3, 1978 ni Nena Apaga, isang Pilipino at ang ama nitong si James Joseph Friedhof ay isang Amerikano.
Si Hrabak ay ipinanganak sa dating US military base sa Clark Air base noong Agosto 27, 1979 ng kanyang ina na si Mona Liza Pasana, isang Pilipina at ang ama nitong si Allen Hrabak Jr., ay isang dating US Air Force serviceman. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended