^

PSN Palaro

Beteranong Olympic figure skaters sa Disney's little Mermaid sa Big Dome

-
Hindi lang pangunahing atraksiyon sina Alexei Kiliakov at Inna Volianskaia sa kasalukuyang ginaganap na Disney-on-Ice Little Mermaid na dinadaos sa Araneta Coliseum hanggang Enero 7, 2001.

Kundi sila ang ipinagmamalaki ng bansang Russia sa skating world kung saan dinala nila ang bandila ng kanilang bansa sa world competitions.

Si Alexei na siyang commanding presence sa the "Little Mermaid" ay isang mataas at athletic sa yelo na gumaganap sa papel ni Prince Eric kung saan kanyang ginagamit ang kaalaman nito sa skating training na may magandang istilo sa kanyang mga routines kay Inna na gumaganap naman bilang Ariel.

Ang mga manonood sa Big Dome ay labis na humahanga sa romansa at adventure nina Eric at Ariel sa pamamagitan ng dymanic skating nina Alexei at Inna na para mo na ring napapanood ang pareha ng isang beteranong Olympic competitors.

Si Alexei ay natutong mag-skating sa dalawang magka-kaibang kapareha bago siya nag-trained sa ilalim ng prestihiyosong Olympic Russian coach na si Ludmila Pakhomova at Olympic champion Natalia Linichuck.

Matapos ang kanyang matagumpay na amateur career, nagdesisyon si Alexei na mag-pro at mula dito, siya ay nagtungo na sa Europe bago nag-entertain siya ng mga manonood sa England.

Tatlong iba pa -- sina Kelly Marshall, Luke Craig at Richard Stringer na gaya nina Ariel at Inna ay mayroon ding iba’t ibang paglahok sa kani-kanilang national teams.

ALEXEI

ALEXEI KILIAKOV

ARANETA COLISEUM

BIG DOME

ICE LITTLE MERMAID

INNA

INNA VOLIANSKAIA

KELLY MARSHALL

LITTLE MERMAID

LUDMILA PAKHOMOVA

SI ALEXEI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with