Itoy matapos na nagsimula ng magnegosasyon ang Shell Velocity at Mobiline Phone Pals hinggil sa palitan ng kani-kanilang malalaking tao na ang kontrata ay kapwa mapapaso bukas.
Sa kabila ng hindi nito pagpapakita ng aksiyon sa buong 26th season ng PBA sanhi ng pagdapo ng ibat ibang injuries, nagbigay pa rin ng alok ang Shell Velocity sa manlalarong tinaguriang "Tower of Power" at umaasa sila na ito ay tatanggapin ng cager bago magtapos ang taong ito.
At sa ilalim ng naturang alok, si Paras ay tatanggap ng P500,000 buwanang suweldo sa unang dalawang taon at P300,000 kada buwan para sa huling tatlong taon kung sakali mang siya ay maging bahagi na ng coaching staff. At kung si Paras ay ubra pang maglaro para sa kanyang ikalawang taon, siya ay pagkakalooban muli ng maximum na P500,000 kada buwang sahod.
Ngunit ibig ni Paras, ang natatanging manlalaro na nanalo ng Rookie of the Year at ng MVP award noong 1989 ng isang mahabang kontrata na hindi bababa sa limang taon na paglalaro at limang taon na bahagi ng coaching staff. At dahil dito, tila mauuwi sa wala ang lahat ng naunang plano ng Shell.
Matatandaan na noong 1998, si Paras ay nalagay rin sa trading block ng dating coach na si Chito Narvasa. Pero hindi pa siya ganap na nakaka-recover sa kanyang injury at walang koponan ang sumalo sa kanya at sa halip ang partnership nila ni Ronnie Magsanoc ay nagkahiwalay kung saan si Magsanoc ay ipinamigay ng Shell sa Sta. Lucia kapalit ni Gerald Esplana.
Bukod sa Mobiline, sinabi rin ng sources na isang posibilidad rin ang inihaharap ng Shell Velocity kung saan kanilang ipamimigay si Paras sa Sta. Lucia upang makasamang muli si Magsanoc.
Ang kontrata ni Codiñera sa Mobiline ay mapapaso sa pagtatapos ng taon na ito at sa kasalukuyan ang nine-time member ng PBAs All-Defensive Team ay hindi pa pumapayag sa isang extension deal sa dahilang ibig niyang humingi ng maximum na P500,000 buwanang suweldo bilang nag-iisang lehitimong slotman ng Phone Pals matapos na maipatapon si Paul Asi Taulava.
Sinabi rin ni Codiñera na mapapaso ang kontrata sa Disyembre 31 na bukod sa Shell, interesado din ang Sta. Lucia Realty na kunin ang kanyang serbisyo ngunit kailangang tapusin niya muna ang pakikipag-usap sa Phone Pals bago makipag-usap sa ibang team. (Ulat ni AC Zaldivar)