Dazz-Letran nakalapit sa semis
December 28, 2000 | 12:00am
Inilapit ng Dazz-Letran ang kanilang isang paa tungo sa pagpasok sa semifinal round makaraang itakas ang 92-57 pamamayani kontra sa Gringo-Barkadahan kahapon sa pagbabalik ng aksiyon ng 1st Philippine Youth Basketball League sa Makati Coliseum.
Humakot si Ismael Junio ng 24 puntos at walong rebounds kung saan naitala ng Grease-busters ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa apat na laro.
Kailangan na lamang nilang maipanalo ang huling laro kontra sa Spring Cooking Oil sa Enero 7 para maagaw ang wild card entry patungo sa cross-over semifinals.
Dahil sa kakulangan ng manlalaro ng Gringo-Barkadahan na mayroon lamang anim na players, kanilang nalasap ang ikaapat na dikit na talo kung saan nanguna rito si Carlo Altamirano na nagtapos ng 24 puntos, bukod pa ang walong rebounds at anim na assists.
Nagpakita rin ng laban ang Gringo-Barkadahan sa unang minuto ng labanan nang kanilang kunin ang 8-2 bentahe bago nagsimulang kumu-apso.
Humataw ng 10 pun-tos si Junio upang hatakin ang Grease-busters sa 14-15 pagkakadikit ng iskor sa first canto, bago nanalasa sina Jason Misolas at Patrick Tiong-co upang itala ang 47-21 kalamangan sa pagsasara ng halftime.
Napalobo pa ng Greasebusters ang kani-lang kalamangan sa 42 puntos, 86-44, 4:30 ang oras sa laro.
Dazz-Letran 92 -- Junio 24, Moreno 13, Misolas 11, Tiongco 11, Alonzo 6, Santos 6, Ang 5, Ayo 5, Reyes 4, Garcia 3, Sangco 2, Enrile 2, Sta. Cruz 0.
.Gringo-Barkadahan 57 -- Altamirano 24, Castillo 14, Vallejo 6, Longa-ong 5, Tan 5, Argonza 3.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am