^

PSN Palaro

PBAPPC Awards Night sa National Press Club

-
Dominado ng San Miguel Beer at Viva Vintage Sports ang gaganapin sa Miyerkules na 2nd Philippine Basketball Association Press Photographers Club (PBAPPC) Awards Night.

Sa pitong ipamimigay na karangalan ng samahan ng mga litratistang kumokober ng propesyunal na liga, tigatlo ang napasakamay ng SMB at VVS sa okasyong gaganapin sa National Press Club sa Magallanes Drive, Intramuros, Manila.

Mangunguna si 2000 PBA Most Valuable Player Danilo Ildefonso na gagawaran ng Mister Photogenic dahil sa naging paboritong gamitin ang kanyang mga larawan ng mga editor ng iba’t ibang pang-araw-araw na pahayagan.

Tinalo ng 24-anyos at 6-6 slotman mula sa Urdaneta City, Pangasinan para sa naturang award ang kanyang teammate na sina Danny Seigle, Jimwell Torion ng Batang Red Bull, Venancio Paras ng Shell Velocity at ang nanalo noong isang taon na si Kenneth Duremdes ng Alaska Aces.

Napili naman sina Arturo dela Cruz at Bethune Tanquingcen bilang Assistant Coach of the Year.

At sa ikatlong pagkakataon, muling pararangalan si Boybits Victoria ng Role Player of the Year award matapos na manalo kina Rodney Santos ng Alaska, Gerard Francisco ng Sta. Lucia, Junthy Valenzuela ng Red Bull at Teodorico Fernandez III ng Purefoods.

Nahirang naman na New Comer of the Year ang Fil-Am ng Tanduay na si Rudy Hatfield, nanalo namang Mr. Play by Play si Atty. Noli Eala kontra Ed Piczon, Benjie Santiago, Mon Liboro, Ronnie Nathanielz at 1999 winner na si Chino Trinidad.

Bukod kay Eala, parara-ngalan din sina Andy Jao at Anthony Suntay bilang Sports Analyst of the Year at Host/Interviewer, ayon sa pagkakasunbod.

Inimbitahan na panauhing pandangal si PBA Commissioner Jun Bernardino Jr., sa event na magsisimula sa alas-7 ng gabi.

vuukle comment

ALASKA ACES

ANDY JAO

ANTHONY SUNTAY

ASSISTANT COACH OF THE YEAR

AWARDS NIGHT

BATANG RED BULL

BENJIE SANTIAGO

BETHUNE TANQUINGCEN

BOYBITS VICTORIA

CHINO TRINIDAD

COMMISSIONER JUN BERNARDINO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with