Fil-Am golfer o pro boxer sa PSA Athlete of the Year
December 24, 2000 | 12:00am
Dahil sa kani-kanilang tagumpay sa labas ng bansa na siyang tumabon sa pagkabokya ng mga atletang Pinoy sa nakaraang Sydney Olympic Games, mahigpit na magkalaban ngayon sina Fil-Am golfer Dorothy Joy Delasin at pro boxer Malcolm Tuñacao para sa taong ito ng PSA (Philippine Sportswriters Association) Athlete of the Year award sa Jan. 18 sa Holiday Inn Hotel.
Binanderahan ni Delasin ang dalawang national teams sa Southeast Asian Games at sa World Amateurs sa dahilang siya ang pinakabata sa edad na 19 na nagwagi ng US LPGA (Ladies Professional Golf Association) Tour sa quarter century matapos na manalo ng Giant Eagle Classic sa Warren, Ohio noong nakarang Hulyo.
Ang naturang tagumpay ay kanyang napasakamay, isang taon matapos na makopo naman ang US Womens Amateur crown na nagpalakas ng kanyang kampanya para gapiin naman ang iba pang top rookies mula sa daigdig at sungkitin ang Rookie of the Year award sa prestihiyosong LPGA circuit.
Sa kabila nito, nanalo naman ang 22-anyos na si Tuñacao ng World Boxing Council flyweight crown sa seventh round technical knockout kontra sa defending champion Medgeon-Kratingdaeng Gym sa Thailand at naging nag-iisang kasalukuyang world champion matapos na matalo naman si Joma Gamboa sa Japanese na si Keitaro Hoshino sa WBA minimum-weight championship sa kaagahan nitong buwan.
Nagtabla naman sila ng Japanese challenger Shoji Kobayashi noong nakaraang Agosto.
Ang naging impresibong performance nina Delasin at Tuñacao ang siyang naging pampalubag loob ng mga Filipino Olympians na ni isang medalya ay walang naiuwi sa kauna-unahang pagkakataon sa nakalipas na 12 taon.
Inimbitahan ng PSA na maging panauhing pandangal ang Pangulong Joseph Estrada na dumalo sa nasabing seremonya at siyang magkakaloob ng PSA Athletes of the Year trophy.
Pararangalan din ang iba pang mga top athletes sa kani-kanilang sports disciplines kabilang ang basketball (pro at amateur), golf (pro at amateur), chess, Formula racing at boxing (pro at amateur).
At bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa Philippine sports dahil sa palagiang pag-promote at pagdevelop sa grassroots level, bibigyan din ng citations ng PSA ang ilang sports groups at ilang tao na nagbigay ng tulong sa grassroots development ng sports.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended