Caoilli, Severino kampeon sa Asian Continental Chess Tourney

BAGAC, Bataan-- Gumawa ng isang magandang pagtatapos sina Fil-Australian Arianne Bo Caoili at Sander Severino ng Negros Occidental upang bigyan ang Philippines ng bagay na maipagmamalaki.

Naitala nina Caoili at Severino ang pinakamataas na puntos matapos ang siyam na rounds upang tanghaling kampeon sa Asian Continental Under-16 (Boys and Girls) Chess Championships na ginanap sa NAPOCOR Training Center dito.

Tinalo ni Woman FIDE Master Caoili ang siyam na gulang na si Kimberly Jane Cunanan ng Pampanga upang magtapos na may 8-1 (win-loss) slate.

Tumapos naman si Severino na may 6-1-2 win-loss draw sa likod ng pagkakasilat sa kanya ng kasalukuyang National Kiddies crown holder Julio Catalino Sadorra sa final round.

Namate ni Caoili na magdiriwang ng kanyang ika-14 kaarawan ngayon, si Cunanan sa loob ng 34 moves ng Sicilian-Moroczy upang makopo ang singles title na kanyang ikalawang Women International Master Norm.

Sa kabilang dako, sinisikap ni Severino na maipuwersa ang draw ngunit kumulapso ito sa endgame nang lumamang ng isang Pawn si Sadorra matapos ang ilang palitan ng sulungan.

"Masayang-malungkot ang aking nararamdaman," wika ni Severino na nakaupo sa kanyang wheelchair sa nakalipas na dalawang taon sanhi ng muscular dystrophy.

"Masaya, kasi nanalo at meron na akong international title. Ngunit, kapag naiisip ko nang maiiwan ko na ang mga nakasama ko sa non-master tournament, nalulungkot din ako," dagdag pa ni Severino mula sa Doña Monserrat Lopez Memorial High School.

Nagtapos naman sina Tranh Anh Tri ng Vietnam at Asean U-16 Chess champion Oliver Barbosa ng ikalawang puntos matapos na makalikom ng kabuuang 6.5 puntos sa kani-kanilang division ng chessfest na ito na hatid ng Pik-Nik Premium Snacks.

Show comments