Mantua sibak kay Tierro sa Manzano Cup
December 21, 2000 | 12:00am
Sinibak ng third seed na si Patrick John Tierro si Michael Mantua, 7-5, 6-2 kahapon upang ipuwersa ang kanyang quarterfinal showdown kontra sa No. 6 na si Irwin de Guzman sa boys 16-under division ng third Armando Manzano Cup sa Rizal Memorial Tennis Center.
Umusad naman si de Guzman sa susunod na round maka-raan niyang dispatsahin si Edgardo Banaag II, 6-4, 5-7, 6-0.
Sa iba pang laro, ginapi ng No. 4 na si Yannick Guba si Marvelous Cortez, 6-2, 6-1; nagtala ng tagumpay si Junjie Guadayo kontra Christian Florido, 6-2, 6-0 at hiniya naman ni Gino Bautista si Carlo Christian Oca, 6-1, 6-3.
Nauna rito, pinayukod ng top seed na si Oswaldo Dumoran si Daryll Espino, 6-2, 6-2 at namayani naman ang No. 2 Nico Riego de Dios sa kalabang si Hamza Macadengdeng, 6-2, 6-0 upang pamunuan ang listahan ng boys 14-under quarterfinalists sa event na ito na suportado ng PSC, Nassau ball at Viva Mineral Water.
Umusad din sa susunod na round sina No. 3 Janjie Soquino, No. 4 Nestor Celestino, Miguel Narvaez, Mauric Lao, Jimmy Tangalin Jr., at Paulino Sianson.
At sa girls division, magaang na namayani ang No.1 na si Czarina Mae Arevalo na nanalo ng default kontra Lady Krystle Tan Mantiong at binomba naman ng No. 2 na si Berry Sepulveda si Maria Angelica Ngo, 6-0, 6-0 upang maokupahan ang kani-kanilang quarterfinals berth sa 16-under class.
Makakaharap ni Arevalo ang No. 7 na si Ivy de Castro na umiskor naman ng 6-4, 6-1 kontra Vanessa Gutierrez.
Ang iba pang nagtagumpay ay sina third seed Charisse Godoy na tumalo kay Kristel Samala, 6-0, 6-1, habang nasilat ng No. 4 na si Julie Ann Cadiente si Karen Reyes, 6-3, 6-4 at tinalo naman sa pamamagitan ng default ni No. 6 Katrina Pamintuan si Lady Cherica Tan Mantiong, habang diniskaril ni Edelyn Balanga si Krissy Alina, 6-1, 6-1.
At sa unisex 10-under class, iginupo ni No. 1 Bambie Zoleta si Jonathan Murrell, 6-0, 6-1 at binokya naman ni Gerard Bergavera si Raymarc Santiago, 6-0, 6-0.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended