^

PSN Palaro

Dayuhang runners maaring ng sumali sa Milo Marathon finals

-
Magkakaroon na ng mahigpit na karibal ang mga Pinoy runners sa susunod na taon dahil sa pagpasok ng mga dayuhang mananakbo sa gaganaping National Milo Marathon finals na magdiriwang ng silver anniversary ng pinakamahabang karera sa bansa.

Ito ang ipinahayag kahapon ni Milo sports executive Jackby Jaime ng maging panauhin ito sa lingguhang PSA Forum sa Holiday Inn Manila.
"Since we will be celebrating 25 years of the Milo Marathon, Southeast Asian entries will be invited to compete in the national finals," wika ni Jaime.

At dahil sa paglahok ng mga foreign runners, sinabi ni Jaime na siguradong ibubuhos ng mga Pinoy ang kani-kanilang lakas upang makipagsabayan sa 42.195 kilometrong karera at mahigitan ang itinalang record ni Herman Suizo na 2:19 oras.

"We will only invite foreign participants who have best time of 2:20 so our local boys can be challenge to excel," dagdag pa ni Jaime. " We want our runners to finally break the record.

At may posibilidad rin na ang hihiranging men’s champion ay kanilang isasabak naman sa abroad bilang premyo kung kanyang malalampasan ang nasabing record.

Inihayag din ni Jaime sa forum ang mga nanalong photographers sa ginawang photo contest kung saan may nakatayang P15,000 premyo para sa unang puwesto.

HERMAN SUIZO

HOLIDAY INN MANILA

JACKBY JAIME

JAIME

MILO MARATHON

NATIONAL MILO MARATHON

PINOY

SOUTHEAST ASIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with