2000 PPSA Shooting Event dinomina ni Lejano
December 18, 2000 | 12:00am
Maningning na isinara ng dating world junior champion Jeufro "Speedy Jag" Lejano ng Top Gun/Guns Empire team ang taong ito matapos na dominahin ng husto ang kamakailan na ginanap na Philippine Practical Shooting Association (PPSA) 2000 Nationals.
Kinukunsidera na isa sa mahusay na manunudla ng bansa, nagpamalas ang miyembro ng RP team ng kanyang bilis sa multi-stage event na ito nang kanyang banderahan ang open division event na nilahukan ng mahigit sa 100 shooters mula sa buong bansa.
Umasinta si Lejano, isa sa naging susi ng RP sa pagsungkit ng ginto sa nakaraang World Shoot XII kontra sa powerhouse US at Australia ng magandang best mate points na 931.9607 sa premier division ng shootfest na ito na dinaos bilang parangal kay Cong. Jack Enrile.
"Maganda ang simula, Nasustain ko ang rhythm and momentum, kaya hang-gang sa huling stage maganda ang ipinutok ko," ani Lejano na tumapos ng ika-lawa sa 1998 European Cup sa likod ng French na si Eric Grauffel.
Pumangalawa sa event na ito si Joseph Sy ng team Armscor na nagtala ng 853.6827 sumunod ang Cebuanong si Bryant Yu na mayroong 848.2170 puntos.
Nakisosyo sa karangalan sina Danny Torrevillas ng Ormoc Gun Club, Dojo Palines ng 7 Lakes Rifle and Pistol team at Philip Chua ng Iloilo PSA.
Napagwagian ni Torrevillas ang modified division sa kanyang 895,5889 points, inagaw naman ni Palines ang korona sa production division na may 882.5076 puntos at nanguna naman si Chua sa revolver division.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended