Menk, interesadong kunin ng Negros Slashers
December 16, 2000 | 12:00am
Dahil sa mahigpit na pangangailangan ng Negros ng isang mahusay na manlalaro para mapunan ang kakulangan ng kanilang koponan, nagpakita ng malaking interes ang Slashers na makuha ang serbisyo ng Fil-American na si Eric Menk ng Tanduay Rhum upang palakasin ang kanilang tsansa sa MBA sa susunod na season.
Ito ang inihayag ng Negros mentor na si Robert Sison na ayon sa kanya kasalukuyan nang nakikipag-usap ang management kay Menk sa kabila na ang 6’5 na manlalaro ay mayroon pang live contract sa Tanduay.
Sinabi pa ni Sison na handa silang alukin si Menk ng tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng P21.6 million sa simula na ang buwanang sahod ay nagkakahalaga ng P500,000 sa unang taon at karagdagang P100,000 sa dalawang susunod na seasons.
"We are still talking with him (Menk) and Negros is determined to get this strong player to play for us next season, even if it takes us to pay Menk this big," wika ni Sison.
Si Menk ay dinadagsa ng mga alok mula sa iba pang MBA teams lalo na ng Manila-Batangas squad, ngunit sinabi ni Sison na wala sa nasabing koponan na inaalok ang cager ng Tanduay ng malaking halaga na gaya ng kanilang alok.
Kumpiyansa ang batang guro ng Slashers na kanilang makukuha si Menk at makapagsusuot na ng Negros jersey kung ikukunsidera na hindi pa ito nakakakuha ng aprobal na makapaglaro sa Tanduay sa PBA mula sa Bureau of Immigration and Deportation.(Ulat ni Joey Villar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest