Severino, Caoilli nalo sa ikaapat na rounds ng Asian Chess Champs
December 16, 2000 | 12:00am
BAGAC, Bataan--Ipinagpatuloy nina Sander Severino ng Negros Occidental at ni Fil-Australian Arianne Bo Caoilli ang kanilang dominasyon makaraang iposte ang ikaapat na sunod na panalo sa ikaapat na rounds ng Asian Continental U-16 Chess Championships dito sa National Power Corporation Training Center.
Pinigil ni Severino, 1999 National Kiddies champion ang kalabang si National Master Oliver Barbosa sa 48 sulungan ng Center-Counter game upang makalikom ng kabuuang 3.5 puntos at mamintina ang kanyang pakikisosyo sa liderato sa Vietnamese na si Tranh Anh Tri.
Bunga ng pagkatalong ito ni Barbosa, siya ay nalaglag sa ikatlong posisyon sanhi ng 3 puntos kasama sina Kiddies titlist Julio Catalino Sadorra, UAAP standout Bernard Templo, top seed Susanto Megaranto at ASEAN U-14 champ Luke Leon sa kompetisyon na ito na hatid ng Piknik Snack Foods Inc.
Sa womens division, magaang na itinakas ni Caoilli ang kanyang ikaapat na sunod na panalo kontra sa pambato ng Davao na si Rowela Acedo sa pamama-gitan ng 46 moves ng Slav.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest