Holy Child vs University of San Carlos sa finals

Winalis ng Holy Child of Davao at ng University of San Carlos (Cebu) ang kani-kanilang karibal noong Miyerkules upang itakda ang kanilang titular showdown sa Milo BEST National Passerelle basketball ngayon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Bumangon ang Davao boys mula sa 31-36 pagkakalubog sa halftime upang igupo ang Don Bosco Academy (Pampanga), 67-63, habang pinayukod naman ng Cebuanos ang nakaraang taon kampeong Xavier School, 69-61.

Nauna rito, tinalo ng Holy Child ang Xavier, 78-75 at nanaig naman ang Don Bosco Academy, 84-62.

Show comments