Nakalapit sa semifinal round ang Jewelers matapos itala ang ikalimang panalo sa 7 pakikipaglaban, habang nalagay naman sa bingit ng pagkakatalsik sa kontensiyon ang Pharma Quick na nabaon sa 1-6 record.
Tanging pag-asa ng Pharma Quick na makarating sa 6 team carry-over semis round ay ang ipanalo ang huling tatlong asignatura.
Sa likod ng panalong ito ng Montana, hindi nasiyahan si coach Leo Isaac sa ipinakita ng kanyang mga bata sanhi ng kanilang maraming turnovers.
Nagtala ng 29 turnovers ang Jewelers, 14 sa ikalawang quarter kung saan nakakuha ng 20 puntos ang kalaban kumpara sa 26 ng Pharma Quick na naka-ani ng 19 puntos ang Montana.