^

PSN Palaro

Montana nakabawi sa 2nd PBL Challenge Cup

-
Nakabangon ang Montana Pawnshop sa dalawang sunod na kabiguan nang kanilang iposte ang 60-46 pamamayani kontra sa Pharma Quick sa pag-usad ng eliminations ng 2nd PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum kahapon.

Nakalapit sa semifinal round ang Jewelers matapos itala ang ikalimang panalo sa 7 pakikipaglaban, habang nalagay naman sa bingit ng pagkakatalsik sa kontensiyon ang Pharma Quick na nabaon sa 1-6 record.

Tanging pag-asa ng Pharma Quick na makarating sa 6 team carry-over semis round ay ang ipanalo ang huling tatlong asignatura.

Sa likod ng panalong ito ng Montana, hindi nasiyahan si coach Leo Isaac sa ipinakita ng kanyang mga bata sanhi ng kanilang maraming turnovers.

Nagtala ng 29 turnovers ang Jewelers, 14 sa ikalawang quarter kung saan nakakuha ng 20 puntos ang kalaban kumpara sa 26 ng Pharma Quick na naka-ani ng 19 puntos ang Montana.

CHALLENGE CUP

LEO ISAAC

MAKATI COLISEUM

MONTANA PAWNSHOP

NAGTALA

NAKABANGON

NAKALAPIT

PHARMA

PHARMA QUICK

QUICK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with