PWU-JASMS, kampeon sa Women's Volleyball League

Ibinulsa ng PWU-JASMS ang korona sa elementary division nang kanilang pataubin ang Holy Spirit, 25-12, 25-18 sa Milo BEST Women’s Volleyball League (WVL) sa Ateneo covered courts.

Napasakamay naman ng Jubilee Christian Academy ang titulo sa high school nang igupo ang PWU-JASMS, 25-12; 25-13, 25-18.

Tumapos naman ng ikatlong puwesto ang Flos Carmeli Institution at Roosevelt College of Marikina sa elementary at prep divisions, ayon sa pagkakasunod.

Pinabagsak ng Flos Carmeli ang Colegio de Sta. Rosa, 25-18, 25-20, habang ginapi ng Roosevelt ang St. Anthony, 25-10, 25-14.

Ang individual awards ay napasakamay nina Anna Patricia Dizon ng Holy Spirit (elementray) at Mary Jane Bolor (high school) ng Roosevelt bilang best servers, hinirang naman na best setters sina Hannah Quitco ng PWU-JASMS (elementary) at Stephanie Villanueva ng Jubilee at best spiker naman si Asuncion ng Jubilee at si Kate Coyukang ang nahirang na Most Valuable Player.

Show comments