Ang panalong ito na ika-4 ng Blu sa anim na pakikipaglaban ay isang magandang regalo para kay coach Nat Canson na nagdiwang ng kanyang ika-52 kaarawan kahapon.
Naging agresibo ang Detergent Kings sa huling bahagi ng labanan habang inalat naman sa krusiyal na posesyon ang Osaka na siyang dahilan ng kanilang ikalimang pagkatalo sa loob ng pitong pakikipaglaban.
Muntik nang maglaho ang naipundar na 14 puntos na kalamangan ng Blu sa kaagahan ng ikaapat na quarter, 63-49 matapos ang 14-2 salvo, 6:06 ang oras na nalalabi sa laro.
Nagtulong sina Mark Magsumbol at Alvin Castro sa rumaragasang 15-4 run upang makalapit ang Osaka-La Salle sa 64-67 matapos ang tatlong free throws ni Castro na nakahugot ng foul kay Gilbert Omolon sa triple area, 50 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.
Umiskor si Kalaw ng apat na free throws sa huling limang puntos ng Blu habang nagmintis naman si Castro sa kanyang dalawang triple attempts ga-yundin ang lay-up ni Malonzo na siyang nagkaloob sa Detergent Kings ng tagumpay.
Pinangunahan ni Marlon Legaspi ang Blu sa paghakot ng 14 puntos katulong si Eric dela Cuesta na may 13 puntos habang sina Kalaw at Calo ay may tig-10 puntos.
Nasayang ang pinaghirapang 22 puntos ni Castro, 19 nito ay sa second half sanhi ng kanilang kabiguan.