Maca ng Pinas, naidepensa ang titulo

Matagumpay na naidepensa ni Jess Maca ng Philippines ang kanyang Orient-Pacific Federation bantamweight title sa pamamagitan ng unanimous decision kontra Katsushige Kawashima ng Japan noong Lunes.

Walang naitalang knockdowns sa kanilang itinakdang 12-round title bout sa Tokyo’s Korakuen hall.

Ito ang ikaapat na depensa ni Maca sa kanyang titulo na napagwagian nito kontra Masahiko Nakamura sa Tokyo noong Mayo 9, 1998.

Maagang kinuha ni Maca, isa ring World Boxing Council’s No. 5 contender ang laban sa pamamagitan ng mga serye ng kanyang suntok sa katawan ni Kawashima.

Show comments