Mercury Freight-St. Benilde, Boysen-MLQU nanguna sa quarterfinals

Kapwa namayani ang Mercury Freight-St. Benilde at Boysen-MLQU sa kanilang magkahiwalay na kalaban upang magsalo sa pamumuno sa quarterfinals ng 1st Philippine Youth Basketball League sa Makati Coliseum.

Sumandal ang Mercury Freight-St. Benilde sa 7-1 run sa huling tatlong minuto ng labanan upang igupo ang Mr. Wash-FEU habang ang Boysen-MLQU ay kumawala sa final quarter tungo sa kanilang 57-46 pamamayani kontra sa Skyland Estate-Guagua National Colleges.

Ang kanilang panalo ay nagresulta ng three-way tie sa 1-0 record kasama ang Maynila sa winners bracket na nagbigay sa kanila ng malaking tsansang makausad sa crossover semifinals.

Pinangunahan ni JP Albano at Edelito Saygo ang Boysen-MLQU sa paghakot ng tig-12 puntos habang sina Sunday Salvacion at Jan Anthony Coching ang namuno sa Mercury Freight-St. Benilde sa pagtatala ng 16 at 10 puntos ayon sa pagkakasunod.

Show comments