Korean, Thai netter nakapasok sa semifinals
December 8, 2000 | 12:00am
Umiskor ng magkaibang tagumpay sina top seed Yoon Yongil ng Korea at second pick Danai Udom-choke ng Thailand upang makatapak sa semifinals ng $15,000 ITF-Philippines Mens Futures sa Rizal Memorial Tennis Center.
Ang worlds number 157 na si Yoon ay nagrally upang mapabagsak si 7th pick Rick De Voest ng South Africa, 7-5 (6), 6-7 (5), 6-1 upang ma-kaabante kontra sa mananalo sa pagitan nina Lukasz Kubot ng Poland at qualifier John Doran ng Ireland.
Si Udomchoke, member ng David Cup team, ay namayani naman kay qualifier Zhang Yu ng China, 7-5, 6-3, upang isaayos ang semifinal showdown kay Ashley Fisher ng Australia.
Si Fisher, na umiskor ng 6-0, 6-0, second round victory kay No. 8 Suwandi Suwandi ng Indonesia noong Miyerkules, ay nakaligtas naman kay Ivo Klec ng Germany, 7-5, 7-6 (6).
Si Klec, na pinatalsik naman ang third seed at first leg winner na si Zbynek Mlynarik ng Austria sa first round, ay nanguna sa 5-3 sa tiebreak ngunit muling nakuha ng Australian ang trangko sa 6-5 patungo sa panalo.
Sa doubles category, namayani naman sina third seed Dominic Maraflote ng Australia at Lee Redavanovich ng New Zealand kina James Auckland at Barry Fulcher ng Great Britain, 6-4, 6-4, upang makapasok sa semifinal round.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest