Mobiline pinataob ng Purefoods sa game 3 ng best-of-five semifinal
December 7, 2000 | 12:00am
Hindi pinaporma ng Purefoods Tender Juicy Hotdogs ang Mobiline Phone Pals upang dominahin ang laro tungo sa impresibong 110-97 panalo sa Game Three ng kanilang best-of-five semifinal series sa PBA season-ending Governors Cup sa Araneta Coliseum.
Humataw sa unang bahagi ng labanan ang Purefoods na kanilang namintina sa second half upang ilapit ang koponan sa 2-1 bentahe ng kanilang serye upang makabawi sa kanilang 92-102 kabiguan sa Game Two.
Pinangunahan nina import Derick Brown, Noy Castillo at Alvin Patrimonio ang TJ Hotdogs na nangangailangan na lamang ng isang panalo upang makausad sa finals. Matapos ang first half na taglay ang 60-33 kalamangan, wala nang nagawa ang Phone Pals sa second half at lalo pang nabaon nang ibandera ng Purefoods ang pinakamalaking agwat na 32 puntos , 104-72, 4:43 na lang ang nalalabing oras.
Maagang umarangkada ang Purefoods TJ Hotdogs upang iposte ang 29-puntos na bentahe sa first half, 60-31 bago matapos ang ikalawang quarter.
Eksplosibong laro ang ipinamalas nina Brown at Noy Castillo katulong si Patrimonio na naging mitsa sa pag-atake ng Hotdogs sa unang kanto.
Umiskor si Patrimonio ng 9 puntos sa unang quarter kung saan nalimitahan sa 9 puntos lamang ang Mobiline habang ang Purefoods ay may 27 puntos na produksiyon.
Sa yugtong ito, nagtala lamang ng 19% ang Phone Pals, 3-of- 16 sa field goals, kumpara sa 50%, 11-of-22 ng TJ Hotdogs na gumawa ng 10-4 run sa naturang bahagi.
Nagpasiklab si Castillo na bumawi sa kanyang nakakadismayang performance sa nakaraang laro matapos magtala ng 5-of-5 sa triple area para sa kanyang 15 puntos na produksiyon sa unang dalawang quarters sa likuran ng 16 puntos ni Brown.
Ang Purefoods ay may 9-of-12 mula sa triple area sa first half, pito nito sa second quarter kung saan may tatlong sunod na tres si Castillo habang ang Phone Pals ay may 1-of-8 lamang. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended