^

PSN Palaro

24th National Milo Marathon finals sisimulan sa Disyembre 10

-
Idaraos ng 24th National Milo Marathon, ang pinakamalaki at pina-kamahabang running marathon sa bansa ang kanilang final round na magdedetermina ng pinakamabilis na runners sa bansa sa Linggo, Disyembre 10, sa Cultural Center of the Philippines (CCP) grounds.

Ang pangunahing lalaki at babaeng runners mula sa regional eliminations kasama ang Metro Manila elimination round finalists ang maglalaban-laban para sa pangunahing karangalan. Ang mga runners mula sa Davao City, Tacloban City, Calapan, Oriental Mindoro, Bago City, Olongapo City, Kalibo, Aklan, Tuguegarao City, Cagayan de Oro City, Cebu City at Baguio City ang makikipagtagisan ng kanilang lakas, bilis at katatagan sa pagtakbo.

Ang mga batang may edad na 12 taong gulang ay inaanyayahan din na lumahok sa 3K kiddie run. Bukas din sa publiko ang 5K fun run at 10K run. Isa pang side event ang 5K race para sa mga sportswriters ay itatakbo din.

May mga celebrities din na makikilahok sa event na ito . At ito ay sina Troy Montero, Diether Ocampo, Lyn Ching, Vanessa del Bianco, Shaina Magdayao at Goyong.

Ang pinakatampok na event ay lalarga sa ganap na alas-5:30 ng umaga.

vuukle comment

BAGO CITY

BAGUIO CITY

CEBU CITY

CITY

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

DAVAO CITY

DIETHER OCAMPO

LYN CHING

METRO MANILA

NATIONAL MILO MARATHON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with