UM tumabla sa JTNH sa Coke Go-for-Goal

DAVAO CITY--Nakatabla ang paboritong University of Mindanao sa kanilang kala-bang Davao Norte champion Jose Tuason National High noong Lunes, 4-4 sa pagsisimula ng all-Davao Coke Go-for-Goal sub-regional finals sa Daniel Aguinaldo National High field dito.

Kumana si Marlon Casino ng goal sa seven minutes sa bandang kaliwa upang itabla ang laban sa 4-all matapos na umabante ang UM Maroons mula sa puntos naman ni Jason Mortillero sa kanyang back-to-back goals sa 59th at 62nd minutes.

Unang itinala ng Tuason High ang 2-0 kalamangan mula sa 15-yard roller ni Jeffrey Ventura sa fourth minute na sinundan ng follow-up shot ni John Paul Vanzuela sa ninth.

Ngunit nagawang sumagot ni Charlon Yap sa 44th at 50th minutes para itabla ang iskor.

Show comments