2 umaatikabong bakbakan sa PBL
November 30, 2000 | 12:00am
Kapwa umaasa ang Ateneo-Pioneer at defending champion Welcoat Paints na maliligtasan ang kani-kanilang kalaban sa nakatakdang dalawang pares na salpukan ngayon sa 2nd PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.
Hawak ang 2-2 win-loss slate, tangka ng Ateneo-Pioneer na makamit ang kanilang ikatlong sunod na panalo kontra sa wala pang panalong Pharma Quick sa alas-3:30 ng hapon.
Mapapasabak naman ang Paint Masters na nag-iingat naman ng 1-3 record sa mas mabigat na kalabang Hapee Toothpaste sa alas-5:30 ng hapon.
Inaasahan na inspirado pa hanggang ngayon ang Blue Eagles sanhi ng kanilang 49-47 upset na panalo kontra sa Welcoat noong nakaraang Nov. 18 at sa kanilang mahigpit na karibal na Osaka Iridology-La Salle, 62-60 noong isang linggo kung kayat walang sinumang puwedeng pumigil sa kanila.
"After a 0-2 start, I guess the boys finally got into the groove," wika ni Ateneo team manager Renato Caluag. "What they achieved were not just rousing wins but a couple of morale-boosters, that I dont think theyre about to stop for now. Sana nga, tuloy-tuloy na."
Ngunit di rin dapat pakakasiguro si Caluag, dahil kailangan ng Pharma Quick na bumangon mula sa kanilang apat na dikit na pagkatalo siguradong mabigat na hamon ang kanilang kakaharapin.
Sa kabila nito, inaasahan naman na unti-unting nakakabangon ang Welcoat sa kanilang mahimbing na pagkatulog matapos na itakas ang 72-56 panalo kontra sa Pharma Quick tiyak na magiging makitid ang daraanan ng Hapee.
Taglay ang 1-3 karta, muling sasandig ang Welcoat sa mga balikat nina Ren Ren Ritualo, Anton Villoria, Brandon Sison at Ryan Pa-mintuan.
Nakatakda na ring lumaro si Jojo Manalo na sinuspinde ng dalawang laro, gayundin ang pagbabalik sa aksiyon ni Yancy de Ocampo na kagagaling lamang sa Taiwan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended