FEU, St. Benilde sigurado na sa winners' circle

Nagtala ang FEU-Mr. Wash at St. Benilde-Mercury Freight ng magkahiwalay na panalo upang makasiguro ng slots sa winners’ circle ng kasalukuyang 1st Philippine Youth Basketball League sa Makati Coliseum.

Pinakawalan ng Laundry Experts ang 10-0 run sa huling 3-minuto ng labanan para sa 69-66 come-from-behind na panalo kontra sa Spring Cooking Oil.

Nilimitahan naman ng Freight Masters ang University of Assumption sa apat na puntos sa ikatlong quarter tungo sa 65-43 pamamayani.

Bukod sa FEU-Mr. Wash at St. Benilde, nakakasiguro na rin sa winners’ circle ng Group B ang Maynila.

Pinangunahan ni Leo Avenido ang FEU sa pagha-kot ng 33 puntos upang ihatid ang FEU-Mr. Wash sa pagtatala ng ika-3 panalo sa kabuuang 4-laro.

Nalasap ang Spring Oil ang ikatlong talo sa 3-laro.

Show comments