Bagitong manlalaro dinomina ang Billiard Classic 2000

Pawang dinomina ng mga bagitong manlalaro ang katatapos na Billiard Classic, 2000 na ginanap sa Malate.

Pinangunahan ni Laurence Cañete, doorman ng MLD Coffee Shop ang kampanya ng Barangay 701 sa Malate sa billiards classic na ito na inorganisa ng Gensco, Inc.

Ang iba pang nanalo ay sina Jess Caranto, may-ari ng Black & Silver Music Lounge, Rolando Dulay, may-ari ng isang money changer at Romeo Chan.

Nakatakda ang final round at awarding ceremonies sa Nov. 30 sa Jimmy’s A. Mabini St.

Show comments