Laro ng knights ngayon para sa MBA National finals title
November 25, 2000 | 12:00am
Maibulsa na kaya ng San Juan Knights ang titulo o pahiritin pa ng isa ang Negros Slashers?
Ito ay ilan lamang sa mga katanungan na takdang sagutin ngayong hapon ng Knights sa muli nilang paghaharap ng Slashers sa Game 6 ng MBA National Finals.
Ang salpukan ng dalawang koponan ay nakatakda sa dakong alas-4 ng hapon.
Angat sa serye ang San Juan sanhi ng kanilang 3-2 win-loss slate kung saan ang Game 5 ay kontrobersiyal na napagwagian ng Knights matapos na hindi sumipot ang Negros.
Matatandaan na nagkaroon ng gulo sa Game 5 na ginanap sa Bacolod City noong Linggo na dahilan upang ang naturang laro ay itigil may 11:38 ang nalalabing oras at angat ang tropa ni coach Philip Cesar.
Bunga nito, iniutos ni MBA Commissioner Gregorio Narvasa na ituloy ang nasabing laro sa isang closed door na sanay ginanap sa Loyola Gym, ngunit tumanggi ang team manager ng Slashers at sa halip ay umapela ito na i-replay na lamang ang Game 5.
Inaasahan na eksplosibong laro ang ilalabas ng San Juan upang tapusin na ang serye kung saan hawak pa nila ang home court advantage.
Ngunit di rin dapat pakakasiguro ang San Juan dahil magbabalik na sa aksiyon si Cid White na pinatawan ng one game suspension, katulong sina Alvin Teng, Rueben dela Rosa at John Ferriols upang supilin ang posibleng pananalasa ang Knights at madug-tungan ang kanilang gahiblang pag-asa para maipuwersa ang Game 7.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest