^

PSN Palaro

Peñalosa vs Sor Vorapin sa Sabado

-
Tila walang poot na mababakas sa mga mukha nina Gerry Peñalosa, ang Filipino champion at Ratanachai Sor Vorapin, ang Thai challenger nang magharap ang dalawa kahapon sa ginanap na press-preview sa Parañaque Casino Filipino Amphitheater.

Ngunit sa Sabado ng gabi sa kanilang laban, inaasahan na matinding galit ang kapwa pakakawalan ng dalawang fighter na maglalaban para sa korona ng WBC international superflyweight na inagaw naman ni Peñalosa mula kay Pong Saengmorakot, isa ring Thai boxer noong nakaraang Mayo sa nasabi ring lugar. Nakatakda ang laban sa ganap na alas-8 ng gabi.

"Tatlong tulog na lang ang hinihintay natin," anang 28-gulang na si Peñalosa na umaasa ng kanyang panalo na magi-ging hakbang niya tungo sa kanyang kampanya na mabawi ang world title--na kasalukuyang hawak naman ni Masanori Tokuyama ng Japan.

Bilang reaksiyon sa unang pahayag ni Vorapin hinggil sa kanyang prediksiyon na tatapusin ang kampeon sa loob lamang ng limang rounds, sinabi ni Peñalosa na "madaling sabihin ‘yon pero mahirap naman gawin. Gusto ko man sabihin ‘yon ay alam kong mahirap kaya sa Sabado na lang natin makikita."

Inamin ni Peñalosa na may hawak ng ring record na 41 wins (26 KOs), tatlong talo at dalawang draws, ang labanan ito ang isa sa kanyang pinakamahigpit na laban sa kanyang career.

"Magaling din kasi. may straight, may hook at magaling na counter-puncher. Halos pareho lang kami ng style, slugger din siya," ani Peñalosa.

vuukle comment

ALOSA

BILANG

CASINO FILIPINO AMPHITHEATER

GERRY PE

INAMIN

MASANORI TOKUYAMA

NTILDE

PONG SAENGMORAKOT

RATANACHAI SOR VORAPIN

SABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with