Depending Champion ng Coke Go for Coal niyanig ng Notre Dame

DAVAO CITY--Niyanig ng Notre Dame of Cotabato ang defending champion M’Lang National High, 4-2 kahapon sa pagsisimula ng all-Cotabato Coke Go-for-Goal under 16 football finals sa Daniel Aguinaldo National High field dito.

Natabunan ng Notre Dame ang kanilang 0-2 pagkakalubog mula sa goal nina Yasser Rascals at Ryan Paredes upang itabla ang iskor sa halftime, bago dinomina ang second half. Umiskor si Alvin Alacan sa 45th minuto matapos na makakuha ng corner pass mula kay Paredes upang itala ang 3-2 iskor. Isinelyo ni Ruffy Llorente ang panalo sa kanyang folllow-up shot sa goalmouth sa 69th minutes.

Nagtabla naman ang Notre Dame of Isulan at ang perennial Cotabato titlist San Lorenzo Ruiz Academy sa 1-1 sa iba pang laban sa tourney na ito na hatid ng Coca-Cola at Adidas bilang official ball.

Ang mananalo rito ay uusad sa all-Mindanao finals na nakatakda sa Enero 15-19 sa Cagayan de Oro City.

At sa Nusuan, Bukidnon, walong koponan ang maglalaban-laban para sa Bukidnon provincial eliminations na nakatakda sa Nov. 22-26 sa Central Mindanao University oval.

Show comments