7 beteranong athletes humakot ng medalya sa 11th AVAC
November 21, 2000 | 12:00am
Hindi pa rin mapapantayan ng mga kasalukuyang national track and field athletes ang performance ng mga matatandang atleta.
Ito ang muling pinatunayan ng pitong beteranong manlalaro na hu-makot ng siyam na ginto at apat na silver sa nakaraang 11th Asian Veterans Athletic Championships na ginanap sa Bangalore, India noong nakaraang Nov. 5-10.
Ang kampanya ng bansa ay binanderahan ng one-time PSA athlete of the Year na si Mona Suleiman na nagbulsa ng tatlong ginto at ang iba pang gold medal winners ay sina Lolita Lagrosas (3), Dorie Cortejo (2), Erlinda Lavandia at Romeo Montanez na nag-uwi ng tig-isang ginto.
Ang silver medal ay mula naman kina Agustin Jarina (2), Lagrosa at Lavandia na mayroong tig-isa.
Inumit ni Suleiman ang ginto sa shot put sa kanyang ibinatong 9.15 metro at sa discuss throw sa layong 22.18 metro sa 55-56 years old division.
Matatandaan na sa Asian Games sa Japan noong 1956, napagwa-gian din ni Mona, tawag sa kanya ang discuss throw event bukod pa ang pamamayani sa century dash.
Nanalo naman si Lagrosa na lumahok sa 60-64 yrs. old category ng ginto sa javelin sa layong 23.94, maging sa shot put (8.52m) at high jump, bumato rin si Lagrosa ng 19.80m sa discuss throw para sa silver.
Namayani rin si Cortejo sa 40-44 yrs. division, nanguna naman si Lavandia sa javelin throw event sa 40-45 yrs. old category.
Ang mga nanalo ay nag-courtesy call kay PSC Chairman Carlos "Butch" Tuason at nangako ito sa mga atleta na kanyang i-isponsoran ang isang resolution sa board para sa kanilang mga insentibo.
Bumagsak naman ang ikapitong miyembro ng non-national athlete na si Manuel Ibay sa 5th place ng 10K marathon kung saan 100 atleta ang lumahok. Tumapos rin siya ng 7th puwesto sa 20K.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended