^

PSN Palaro

Japanese netter pasok sa finals

-
Inihakbang ng Japanese netter na si Miho Saeki ang kanyang mga paa tungo sa finals ng Union Cement International Tennis Federation-Philippine Women’s Futures Week 1 sa pamamagitan ng 1-4, 4-2, 4-1, 1-4, 5-4 (3) pamamayani kontra sa Indian teenager na si Shruti Dhawan kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Matinding hamon ang ibinigay ng 24-gulang na tubong Tokyo at nasa kanyang kauna-unahang tournament matapos ang isang taong pamamahinga sanhi ng injury sa bukung-bukong sa kalabang si Dhawan, ang nangungunang junior netter ng India na naga-wa ring makipagsabayan sa kanya.

"I was lucky to get enough rest. If I played five sets yesterday (Friday) I don’t think I can make it," ani Saeki.

Haharapin ni Saeki para sa titulo ng $1,568 ang wild card na si Ramona Tedjakusuma ng Indonesia na nanalo ng $10, 000 sa Bandung leg sa Indonesia noong nakaraang linggo.

Tinalo naman ng Surabaya-based na si Tedjakusuma ang Thai na si Wilawan Chop-tang, 4-0, 4-5 (2), 4-0, 4-1 upang okupahan ang isang finals berth sa isang linggong event na ito na suportado ng ITF Grand Slam Development Fund, Phinma Group of Companies, PSC, Wilson ball, Manila Midtown Hotel at Viva Mineral Water.

FUTURES WEEK

GRAND SLAM DEVELOPMENT FUND

IF I

MANILA MIDTOWN HOTEL

MIHO SAEKI

PHINMA GROUP OF COMPANIES

RAMONA TEDJAKUSUMA

RIZAL MEMORIAL TENNIS CENTER

SAEKI

SHRUTI DHAWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with