Zambo Booters nakopo ang titulo

ZAMBOANGA City--Naungusan ng ZCPC (Zamboanga City Polytechnic College) High School Booters ang Ayala national High, 3-2 kamakailan upang ibulsa ang local title ng 17th Coke Go-for-Goal under-16 football tournament sa Sta. Maria Elementary School field dito.

Isinalpak ni Al-Faizar ang winning goal sa 55th minutong labanan upang ibangon ang ZCPC mula sa 1-2 halftime deficit.

Bunga ng kanilang panalo, umusad ang ZCPC sa all-Western Mindanao finals na nakatakda sa Pagadian City sa Dec. 2-3. Kalahok din dito ang Pagadian National High at Andres Bonifacio High of Dipolog City.

Sa iba pang laro, sumandal ang Filipino-Turkish Tolerance sa tikas ni Christopher Casimiro nang kumunekta ito ng goal sa 53rd minute upang bokyain ang Talisayan National High, 1-0 at ibulsa ang ikatlong posisyon.

Show comments