^

PSN Palaro

Balanga, Cuarto kampeon sa Milo Junior Tennis Cup

-
ANGELS CITY--Pinayukod ni Edelyn Balanga, stablemate ni Arantza Sanchez-Vicario ang kalabang si Genelyn Ocampo, 7-5, 6-1 at hiniya naman ng club bet na si Christian Cuarto si Marvelous Cortez, 4-6, 6-3, 6-0 upang ibulsa ang titulo sa kani-kanilang division sa pagtiklop ng 2000 Milo Junior Tennis Cup and Regional Workshop noong Lunes dito sa Villa Gloria claycourts.

Naibulsa ng 12-anyos na si Balanga, na sinanay sa Madrid Tennis Center sa Spain bago siya nagbalik sa Dagupan City ang korona sa girls’ 16-under division, habang napasakamay naman ni Bedan Cuarto ang titulo ng boys’ 16-under category sa Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng official outfitter Adidas at ng Sports Kids.

Nakisosyo sa karangalan nina Balanga at Cuarto sina Gerard Vergavera ng Bacolod na bumokya naman kay Juan Felipe Mayor sa unisex 10-under bracket; Raymond Villarete ng La Salle-Greenhills na nag-tala ng 6-3, 6-0 pamamayani kontra Jopy Mamawal ng San Beda sa boys’ 12-under division; Bedan JR Celestino na pumigil naman kay Jimmy Tangalin ng Baguio, 6-4, 5-7, 6-4 sa boys’ 14-under class at Ghande Matunog na nagposte ng 3-6, 6-4, 6-2 panalo kontra Carlo Manalastas para sa boys’ 18-under category.

ARANTZA SANCHEZ-VICARIO

BALANGA

BEDAN CUARTO

CARLO MANALASTAS

CHRISTIAN CUARTO

DAGUPAN CITY

EDELYN BALANGA

GENELYN OCAMPO

GERARD VERGAVERA

GHANDE MATUNOG

JIMMY TANGALIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with