Zamboanga Sur National High hiniya ng Sta. Lucia Annex

PAGADIAN CITY--Hiniya ng Zamboanga Sur National High ang Zamboanga Sur High (Sta. Lucia Annex), 6-0 noong Linggo upang dominahin ang local eliminations ng 17th Coke Go-for-Goal under 16 football tournament sa city playground dito.

Sa iba pang laro, hinatak naman ng Zamboanga Sur School of Arts and Trade ang 3-0 panalo kontra sa Holy Child Academy para sa ikatlong puwesto sa tournament na ito na hatid ng Coca-Cola at Adidas ang opisyal ball.

Bunga ng kanilang panalo, umusad ang Zambo Sur National High sa all-Western Mindanao regionals.

Show comments