Assumption-Pampanga dapa sa Maynila

Pinigilan ng star-studded Maynila ang University of Assumption-Pampanga sa huling limang minuto ng labanan upang itala ang 64-58 come-from-behind na panalo sa 1st Philippine Youth Basketball League sa Makati Coliseum.

Isinalpak ni UE Warrior Paul Artadi ang pitong puntos sa kanyang kabuuang 10 sa final canto at nakipagtulungan ito kay Jay-Arr Estrada at John Paul Prior sa deciding run upang dalhin sa panalo ang kanilang koponan.

Sa iba pang laro, itinakas naman ng MLQU-Boysen ang kanilang ikalawang dikit na tagumpay makaraang pabagsakin ang Mapua, 66-65.

Show comments