^

PSN Palaro

Salpukan ng Welcoat vs Osaka inaasahan

-
Tampok ang labanan ng three-peat champions.

Susubukan ng three-time UAAP defending champion La Salle-Osaka Iridology ang kanilang lakas sa nakatakdang debut game kontra sa three-peat PBL titlist Welcoat Paints sa pagbabalik ngayon ng aksiyon sa 2000 PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.

Ang sagupaan ng dalawang koponan ay nakatakda sa dakong alas-5:30 ng hapon.

Umaasa si coach Franz Pumaren na kahit wala si Ren Ren Ritualo, makakagawa ng malakas na impact ang Iridologist sa kanilang debut na babanderahan nina BJ Manalo, Ramon Jose, Raymond Magsumbol, three-point shooters Ronald Cuan at Alvin Castro, Miguel Gozum, sentrong si Manuel Ramos, Adonis Sta. Maria at ng forward na si William Joel Wilson.

Ang iba pang magpa-palakas ng kampanya ng koponan ay sina Nelbert Omolon at Benzon Franco at beteranong sina Jay Torres, Michael Bravo, Richard dela Rosa at Dante Barredo.

Gayunman, nangangamba pa rin si Pumaren dahil batid niyang magpipilit bumangon ang Paint Masters upang maipaghiganti ang kanilang nalasap na 61-65 kabiguan sa mga kamay ng Montana Pawnshop noong opening.

Kaya aasa si coach Junel Baculi sa mga balikat nina Eugene Tan, Jojo Manalo, Ritualo, Francis Zamora at Yancy de Ocampo.

Nauna rito, ikalawang sunod na panalo naman ang tangka ng Montana sa kanilang pakikipagharap sa Ana Freezer sa ganap na alas-3:30 ng hapong sultada.

ADONIS STA

ALVIN CASTRO

ANA FREEZER

BENZON FRANCO

CHALLENGE CUP

DANTE BARREDO

EUGENE TAN

FRANCIS ZAMORA

FRANZ PUMAREN

JAY TORRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with