^

PSN Palaro

Alaska nagreserba ng puwesto sa PBA Top Four

-
Nakalapit sa twice-to-beat advantage ang Alaska Aces nang kanilang pabagsakin ang Sta. Lucia Realty, 87-80 sa papainit na eliminations ng PBA Governors’ Cup sa Araneta Coliseum, kagabi.

Binanderahan ni Kenneth Duremdes ang pag-arangkada ng Aces sa first half pa lamang na minintina ng kanyang mga kasamahan tungo sa kanilang ikalimang panalo sa 8 pakikipaglaban.

Umiskor si Duremdes ng 21 puntos, 8 rebounds, 7 assists at 3 shot blocks na naging susi sa pagpapalasap ng Alaska sa ika-apat na kabiguan ng Realtors sa 7 laro.

Bunga nito, napagsaraduhan ng pintuan ang Sta. Lucia sa top four na may biyayang twice-to-beat advantage sa quarterfinals kung saan maglalaban-laban ang no. 1 vs no. 8 team, pagkatapos ng elims, no. 2 vs no. 7, no. 3 kontra no. 6 at no. 4 laban naman sa no. 5.

Ang huling asignatura ng Alaska ay ang Mobiline at ang kanilang tagumpay ay magluluklok sa Aces sa top 4 kung saan nakapagreserba na ng puwesto ang Phone Pals at Batang Red Bull.

Bagamat di na gaanong naasahan si Duremdes sa second half, hindi naman nagawang makabangon ng Realtors na nagparada ng kanilang bagong import na si Isaac Fontaine na pumalit kay Joe Temple.

Ang 6-foot-4 na si Fontaine ay tumapos ng 39-puntos, 26 nito sa second half na nasayang lamang dahil sa kabiguan ng Sta. Lucia.

Naging mainit ang mga kamay ni Kenneth Duremdes sa unang bahagi ng labanan nang pangunahan nito ang Alaska at umabante ng 14 puntos bago matapos ang second quarter.

Umiskor ng 17 puntos si Duremdes matapos ang unang dalawang quarters kabilang ang 6-of-6 sa two point field goal at 2-of-2 sa free throws tungo sa 40-28 pangunguna ng Aces.

Habang sinusulat ang artikulong ito, kasalukuyang nakikipaglaban ang Barangay Ginebra sa Shell Velocity sa main game.

ALASKA ACES

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

BATANG RED BULL

DUREMDES

ISAAC FONTAINE

JOE TEMPLE

KENNETH DUREMDES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with