^

PSN Palaro

Pinoy archers naka-bronze sa Asian Archery Circuit

-
HONGKONG--Respetadong tinapos ng Philippine team ang kanilang kampanya sa international competition nang ibulsa ng men’s team ang bronze medal sa 4th leg ng Asian Archery Circuit sa Siu Sai Wan Sports Ground dito kahapon.

Niyanig ng RP men’s squad na binubuo ng mga beteranong sina Oscar Briones at Christian Cubilla at ng bagong recruits na sina Marvin Cordero at Bryan Carlo Figueroa ang Hongkong-China A, 154-147 sa bronze medal match.

Nauna rito, pinayukod ng Philippines ang Thailand, 227-213 sa quarterfinals bago yumukod sa Japan sa semifinals, 255-239.

Ang ikatlong puwestong tinapos ng men’s team ang siyang lumukob sa kani-kanilang individual matches sa 70 meter event.

Nasilat si Briones ng kalabang si Chia Yoshimasa Inoue ng Japan, 147-149; natalo naman si Cubilla kay Chia-Hsing Wang ng Chinese-Taipei, 153-154; hindi rin nakaporma si Figueroa sa kalabang si T. Gantugs ng Mongolia, 153-154 at naungu-san naman si Cordero ni Kam Sing Chan ng Hongkong A, 148-151.

Tumapos naman ng ikapitong puwesto ang 18-gulang na si Adelinda Figueroa, silver medalist sa 70m at 50m event sa Malaysian International Invitational noong nakaraang Oktubre sa overall ranking makaraang igupo si Sukman Wong ng host Hongkong-China A, 144-124.

ADELINDA FIGUEROA

ASIAN ARCHERY CIRCUIT

BRYAN CARLO FIGUEROA

CHIA YOSHIMASA INOUE

CHIA-HSING WANG

CHRISTIAN CUBILLA

HONGKONG A

HONGKONG-CHINA A

KAM SING CHAN

MALAYSIAN INTERNATIONAL INVITATIONAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with