PYBL paparada ngayon
November 11, 2000 | 12:00am
Apat na koponan sa pangunguna ng NCAA champion College of St. Benilde ang nakatakdang magdebut ngayon sa pagbubukas ng 1st Philippine Youth Basketball League sa Makati Coliseum.
Panauhin si dating PBL commissioner at ngayon ay mentor na ng Red Bull na si Yeng Guiao sa isang maikling opening rites sa ala-una ng hapon na tatampukan ng tradisyunal na pagpaparada ng mga koponan.
Dadalhin ng College of St. Benilde ang bandila ng Mercury Freight na nakatakdang makipaglaban kontra sa Tac Padilla-owned Spring Oil sa alas-4.
Haharapin naman ng Manuel Luis Quezon University-Boysen Paints, isa sa top contender sa Colleges Universities and Schools Association (CUSA) ang Guagua National Colleges-Skyland Estate Homes sa alas-2.
Ang mga naturang laro ay gaganapin sa PTV-4 at ito ay libre sa publiko.
Maliban kay Jay Lapinid na ngayon ay nagla-laro na sa Pharma Quick, ipaparada ng College of St. Benilde ang malakas na line-up sa pangunguna ni Jan Anthony Coching, Jon-Dan Salvador, Mark Magsumbol, Sunday Sal-vacion at Alexander Magpayo.
Ang iba pang koponan na magpapakita ng aksiyon sa unang pagtatanghal ng tournament na ito ay ang Gringo-Barkadahan, Las Piñas College-Crystal Spring, Mapua, Letran, JRC, FEU-Mr. Wash, Maynila at University of Assumption-Pampanga.
Ang mga koponang ito ay hinati sa dalawang grupo na ang bawat grupo ay lalaro ng isang single round robin. Ang top three teams sa bawat grupo ay ihahanay sa winners circle, habang ang huling tatlo ay lalaro naman sa consolacion group sa quarterfinals.
Ang top three teams sa winners circle ang makakasama naman ng top team consolacion bracket bilang wild card sa crossover semifinals.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended