Pinangunahan ni import Ray Tutt ang Thunder sa paghakot ng 49 puntos, 5 rebounds at 4-assists para sa ikaapat na sunod na panalo ng koponan at ikapito sa kabuuang walong laro.
Ang tagumpay na ito ang nagsiguro ng no. 1 o no. 2 posisyon sa quar-terfinals kung saan maglalaban-laban ang 1 vs 8, 2 kontra 7, 3 vs 6 at 4 kontra 5.
Isang napakasaklap na pagkatalo ito para sa Turbo Chargers matapos malasap ang ikalimang sunod na kabiguan, ikapito sa kabuuang walong asignatura na siyang naghudyat ng pagtatapos ng kanilang kampanya sa 2000 season ng PBA kung saan nabigo silang makalusot sa eliminations sa tatlong kumperensiya.
Nasayang ang pagpupursige ni Shell import James Brewer na nagtala ng season-high na 59-puntos bago ito ma-injured nang masprain ang kaliwang paa, 6:59 na lamang ang nalalabi sa laro.
Eksplosibong performance ang ipinakita ni Brewer para sa Shell sa unang bahagi pa lamang ng labanan kung saan may 33 puntos na ito matapos ang unang dalawang quarters, ngunit kinulang ito sa suporta ng mga locals.