^

PSN Palaro

Batang Red Bull di mapigil

-
Pinormalisa ng Batang Red Bull ang pagrereserba ng puwesto sa top four na may biyayang twice-to-beat advantage sa quarterfinal phase matapos ang 118-103 pananalasa kontra sa Shell Velocity sa papainit na eliminations ng PBA Governors Cup sa PhilSports Arena kagabi.

Pinangunahan ni import Ray Tutt ang Thunder sa paghakot ng 49 puntos, 5 rebounds at 4-assists para sa ikaapat na sunod na panalo ng koponan at ikapito sa kabuuang walong laro.

Ang tagumpay na ito ang nagsiguro ng no. 1 o no. 2 posisyon sa quar-terfinals kung saan maglalaban-laban ang 1 vs 8, 2 kontra 7, 3 vs 6 at 4 kontra 5.

Isang napakasaklap na pagkatalo ito para sa Turbo Chargers matapos malasap ang ikalimang sunod na kabiguan, ikapito sa kabuuang walong asignatura na siyang naghudyat ng pagtatapos ng kanilang kampanya sa 2000 season ng PBA kung saan nabigo silang makalusot sa eliminations sa tatlong kumperensiya.

Nasayang ang pagpupursige ni Shell import James Brewer na nagtala ng season-high na 59-puntos bago ito ma-injured nang masprain ang kaliwang paa, 6:59 na lamang ang nalalabi sa laro.

Eksplosibong performance ang ipinakita ni Brewer para sa Shell sa unang bahagi pa lamang ng labanan kung saan may 33 puntos na ito matapos ang unang dalawang quarters, ngunit kinulang ito sa suporta ng mga locals.

BATANG RED BULL

EKSPLOSIBONG

GOVERNORS CUP

ISANG

JAMES BREWER

NASAYANG

PINANGUNAHAN

RAY TUTT

SHELL VELOCITY

TURBO CHARGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with