^

PSN Palaro

Pinoy chessers taob sa Ukraine

-
Tanging ang Grandmaster na si Bong Villamayor ang nakaligtas sa tangkang pagbokya ng sixth-seed Ukraine sa Philippines, 3.5-.5 sa eight round ng 34th World Chess Olympiad na ginaganap sa Istanbul, Turkey.

Pinadali ni Villamayor ang kanyang laro kontra GM Vaclav Baclan sa kaagahan upang mauwi sa draw ang kanilang laban makaraan ang 24 moves ng English Opening matapos ang paulit-ulit na sulong ng rook sa queen side.

Ang pagkatalo ay nalasap ng Filipinos makaraang ma-upset ng China, 2.5-1.5 na humila sa kanila sa pakikisosyo mula sa 26th hanggang 34th puwesto sanhi ng 18.5 puntos.

Nakitabla rin ang Filipinos sa nasabing record sa kanilang susunod na makakaharap na Mongolia, Moldova, Latvia, India, Greece, Ka-zakhstan, Slovenia at Brazil.

Pinayukod ng mga matitinik na GM ng Ukraine’s na sina Vassily Ivan-chuk, isang 16-anyos na si Ruslan Panomariov at Veredan Eingorn ang pambato ng bansa na sina GM’s Eugene Torre at Joey Antonio at FIDE Master Barlo Nadera, ayon sa pagkakasunod.

Naligtasan ni Ivanchuk ang draws line nang magblundered si Torre sa palitan nila ng rook sa 33rd move at naitakas ng una ang panalo makaraan ang 39 sulungan ng Queen’s Gambit Accepted.

Mabilis naman na naitatag ni Panomariov ang pagkontrol ng kanyang reyna para sa 24-moves na panalo sa kanilang Caro Kann encounter.

Tinalo naman ni Eingorn ang kahinaan ng reyna ni Nadera sa fourth rank sa pagsulong niya ng bishop sa kalagitnaan ng laro tungo sa 56-move ng kanilang Queen’s Gambit Declined match.

Umaasa ang Filipinos na makakabawi kontra sa Mongolia na binokya naman ang Yemen, 4-0 sa likuran nina Bajar Hatanbaatar, Dashzeveg Shavardorj, Odoondoo Ganbold at Duurebayar Erhembayar.

Nalasap naman ng Philippine women’s squad ang 1-2 pagkatalo mula sa kamay ng Croatia.

Nakipaghatian ng puntos si Beverly Mendoza kontra Vlasta Macek sa 27 sulungan ng French Defense, habang nauwi rin sa draw ang laban nina Christine Espallardo at Bazaj-Bockai sa 56-moves ng Sicilian Defense.

Tinalo naman ni Mirjana Medic si Arianne Caoili sa top board sa 38 sulungan ng Queen’s Gambit.

ARIANNE CAOILI

BAJAR HATANBAATAR

BEVERLY MENDOZA

BONG VILLAMAYOR

CARO KANN

CHRISTINE ESPALLARDO

DASHZEVEG SHAVARDORJ

DUUREBAYAR ERHEMBAYAR

ENGLISH OPENING

EUGENE TORRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with