^

PSN Palaro

Buenavista nanguna sa 12th Yakult 10 Miler

-
Ipinakita ng Airforceman-to-be na si Eduardo Buenavista sa lahat na hindi problema ang taas sa road running nang kanyang dominahin ang mahigit sa 2100 kalahok kahapon sa 12th Yakult 10 Miler na nagsimula at nagtapos sa CCP grounds.

May taas na 5-foot-inches, kumawala ang 22-anyos na si Buenavista simula sa lead pack sa kaagahan pa lamang ng unang kilometro ng karera at hindi na lumingon pa upang solong tawirin ang finish line sa tiyempong 50:09 at ibulsa ang P7,000.

Unang umagaw ng eksena ang tubong Sto. Niño, South Cotabato na si Buenavista nang sumungkit ito ng ginto sa 3000m steeplechase at 5000m events sa National track and field open noong 1998.

Pumangalawa ang isa ring miyembro ng RP team na si Navyman Crisanto Canillo Jr., na nagtala ng 53:50 at nagbulsa ng P3,000, habang ang pumangatlo ay si Reynaldo delos Reyes, isang 23-anyos na may bilis na 54:14 at nagbulsa ng P1,000.

Ngunit ang drama ay para kay Hazel Madamba nang magaang niyang kunin ang finish line sa tiyempong 1:05:07 kung saan nakipag-one-on-one ito ng husto sa karibal na si Mercedita Manipol.

Mahigpit na nakabantay ang 20-anyos na si Manipol sa likod ni Madamda sa buong karera, ngunit nagkulapso ito sa huling 50 metro ng karera patungong finish line sanhi ng matinding pagod at siya ay nadiskuwalipika matapos na buhatin na lamang.

Ang pagkakadiskuwalipika ni Manipol ang nagbigay daan naman sa 1998 Milo Marathon women’s champion Jona Gayumba-Atienza na umangat sa ikalawang puwesto sanhi ng kanyang 1:07:26 at ang ikat-long puwesto ay napasakamay ng 13-anyos na si Agana Sealand mula sa Tagaytay na nagtala ng 1:08:37.

vuukle comment

AGANA SEALAND

BUENAVISTA

EDUARDO BUENAVISTA

HAZEL MADAMBA

JONA GAYUMBA-ATIENZA

MANIPOL

MERCEDITA MANIPOL

MILO MARATHON

NAVYMAN CRISANTO CANILLO JR.

SOUTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with