Ito ang ibinigay na assessment nina head coach Arlo Chavez at delegation head Arsenic Lacson makaraan ang kanilang pagdating dito sa capital city noong Sabado.
Ang nawalang tagumpay sa RP boxing ay pagsisikapang muling ibalik nina Junard Ladon (57kg), Florencio Ferrer (60kg) at Vincent Palicpe (51kg), na pawang mga tubong Bago City; Warlito Parrenas (48kg) ng Cadiz City at Maximino Tabangcora III (71kg) ng Tulunan, North Cotabato.
Ang lahat ng ito ay pawang mga gold medalists sa nakaraang National Youth tournament sa Bago at pawang mga edad mula 17-18.
Ang iba pang miyembro ng koponan na ipinadala rito ng Amateur Boxing Association of the Philippines ay sina assistant coach Roel Velasco at international referee/judge Mar de Guia.
"We are concentrating on the youth this time," ani Manny Lopez. "We are preparing them for the Southeast Asian Games and the Pusan Asiad."
Sinabi ni Chavez, na nasa ikalawa na niyang paglahok sa international bilang head coach, na impresibo siya sa ipinapakitang determinasyon at dedikasyon ng mga batang fighters na nakakuha ng maraming pointers mula sa World Championships silver medalist na si Velasco.
Nakatakda ang drawing of lots ng biennial tournament na ito noong Linggo ng gabi.
Ang Team Philippines ay suportado ng Philippine Sports Commission, Adidas at Pacific Height.