^

PSN Palaro

Mobiline diniskarga ng Ginebra sa PBA Governors Cup

-
Sa likod ng kulang na line-up ng Barangay Ginebra, nagawang ipanalo ng Gin Kings ang isa sa tatlong mahahalagang laro para sa tsansang makakuha ng awtomatikong slot sa quarterfinal round ng PBA Governors Cup.

Di inalintana ng Ginebra ang pagkawala ng tinatrangkasong si Vergel Meneses upang iposte ang 92-76 pamamayani kontra sa Mobiline Phone Pals sa Araneta Coliseum kaga-bi.

Umarangkada ang Gin Kings sa final quarter sa pangunguna nina Alex Crisano, Elmer Lago at import Bryan Green tungo sa ikalawang panalo ng Ginebra matapos ang pitong pakikipaglaban.

Kailangan na lamang lusutan ng tropa ni coach Allan Caidic ang Pop Cola sa Miyerkules at ang Shell Velocity upang hindi na dumaan pa sa playoff patungo sa susunod na round.

Pinangunahan ni Lago katulong si Green ang 20-4 run sa final canto upang ibandera ng Ginebra ang kanilang 81-63 bentahe, 7:24 na lamang ang nalalabing oras sa laro.

Hindi na ito natibag pa ng Phone Pals na siyang dahilan ng pagpigil ng kanilang five-game winning streak na nagbunga ng kanilang 5-2 win-loss slate.

Bagamat nakapagtangka ang Ginebra ng 40-beses sa first half, 11 lamang nito ang pumasok kumpara sa 44% ng Mobiline mula sa kanilang 15-of-34 shooting.

Gayunpaman, hanggang anim na puntos lamang nakalayo ang Phone Pals, 30-24 matapos ang 6-0 run sa bungad ng ikalawang quarter.

Nakasama lamang sa Mobiline ang kanilang 10 turnovers matapos ang dalawang unang quarter kung saan humakot ng 10 puntos ang Gins na may 5 turnovers lamang sa first half.

Pinamunuan ni Green ang Kings sa kanyang 34 puntos.

ALEX CRISANO

ALLAN CAIDIC

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

BRYAN GREEN

ELMER LAGO

GIN KINGS

GINEBRA

GOVERNORS CUP

PHONE PALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with