At dahil sa kanilang layunin na i-promote ang sports na ito, lalo na ang medium at long distance running, naglagay ang Yakult Phils., Inc., ng 3K side event para sa kabataan at 5K fun run at ang main event na 10 Miler na humakot ng atensiyon ng mahuhusay na runners ng bansa.
Tampok sa mens division ng ten mile run ang karera sa pagitan ng dalawang runners na may magkaibang pananaw. Ibig patunayan ng sumisikat na si Eduardo Buenavista na siya ang kasalukuyang hari ng local running event, habang nais namang ipamalas ng tinaguriang old running warrior na si Rey Antoque na hawak pa rin niya ang porma na nagputong sa kanya upang manatiling nangunguna sa mga running scene sa bansa.
Sa womens division, inaasahan na mas magiging mahigpit ang labanan dahil sa pagpasok ng mga batang middle distance specialist na sina Melinda Manahan at Hazel Madamba at ang nagbabalik na si Enate Sayrol, mahaharap sa mas mabigat na hamon si dating Milo Marathon champion Jona Gayumba.
"Even as we expect a tough competition between the elite runners, the bulk of the participants this Sunday, which features of the biggest field for the year, will be running for fitness and fun, and trying to set new personal best times," ani Yakult 10 Miler organizer Rudy Biscocho. At idinagdag niya na umulan man o umaraw, tuloy pa rin ang karera at kailangan na ang mga kalahok ay nasa starting area sa Vicente Sotto St., sa loob ng CCP grounds na hindi lalampas sa alas-5 ng umaga para sa pre-race briefing at check-in. Wala ng pahihintulutan pang magpatala sa mismong araw ng karera.